Exam Larawan: Professional Regulation Commission/FB

558 aeronautical engineers, pumasa sa November 2026 licensure exam

55 Views

May kabuuang 558 sa 764 examinees ang nakapasa sa November 2026 Aeronautical Engineers Computer-Based Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nanguna si Franco Andrei Nikki Balatbat Dizon ng Holy Angel University matapos makakuha ng 92.65% rating.

Sa tala ng PRC, WCC Aeronautical and Technological College-North Manila, Inc. ang nanguna sa top-performing schools category na may 91.07% passing rate, kung saan 51 sa 56 examinees ang pumasa. Sumunod ang National Aviation Academy of the Philippines (PHILSCA)-Villamor Air Base Campus na may 90.29% passing rate, o 93 sa 103 examinees.

Inilabas ang resulta isang working day matapos ang huling araw ng pagsusulit. Magsisimula naman sa Disyembre 10, 2026 ang online registration para sa issuance ng Professional Identification Card at Certificate of Registration. Ang schedule at venue ng oath taking ceremony ay iaanunsyo pa ng PRC.

Samantala, maaaring ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1l0ZIpp8YVqjb14tscA_WN8OIlCbgMmuv/view