Bataan solon nahalal na SCAN country prexy
Nov 16, 2026
FMR mahalaga, ayon sa bgy capt
Nov 16, 2026
Calendar
Metro
595 huli sa Oplan Galugad ng QCPD
Melnie Ragasa Jimena
Apr 8, 2026
542
Views
AABOT sa 595 violators ang nasita sa pinaigting na Oplan Bulabog/Galugad at checkpoint operations ng Quezon City Police District (QCPD).
Sa naturang operasyon, 248 ang tiniketan habang 347 ang binigyan ng babala kaugnay ng iba’t ibang paglabag sa city ordinances at traffic rules.
Kabilang sa mga naitalang paglabag ang pag-inom sa lansangan, paninigarilyo, walang suot na pang-itaas na damit at 64 menor de edad na nahuli sa curfew.
Isinagawa ang operasyon sa iba’t ibang lugar sa lungsod, kabilang ang Quirino Highway at Batasan Hills, katuwang ang lokal na pamahalaan at barangay.
Ayon kay Randy Glenn Silvio, magpapatuloy ang pinaigting na operasyon upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa Quezon City.
Liwasang Bonifacio nililinis sa utos ni Yorme
Nov 16, 2026
NCRPO, 100% ready sa seguridad ng 49th ASEAN Summit
Nov 15, 2026
49th ASEAN delegates poprotektahan ng mga parak
Nov 15, 2026

