Lindol Naglabasan sa gusali ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Panabo City, Davao del Norte matapos maramdaman ang 6.3 magnitude na lindol na yumugyog sa Baganga, Davao Oriental 9:58 a.m. ngayong Martes, June 24, 2025. Source: Panabo City Information Office

6.3 magnitude lindol niyugyog Davao Oriental

Zaida Delos Reyes Jun 24, 2025
18 Views

NIYANIG ng magnitude 6.3 na lindol ang Davao Oriental nitong Martes ng umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol ay naramdaman dakong 9:58 ng umaga.

Naitala ang sentro ng lindol sa Baganga, Davao Oriental. May lalim itong kilometro at may tectonic origin.

Naramdaman ang intensity III na pagyanig sa Bislig City sa Surigao del Sur at Tarragona at Boston sa Davao Oriental.

Umabot naman sa intensity II ang lakas ng lindol sa Lingig Surigao del Sur; Baganga, San Isidro, Mati City , Manay at Caraga sa Davao Oriental; Glan sa Saranganil Tagum City sa Davao del Norte; Davao City; Santa Cruz sa Davao del Sur at Tulunan sa Cotabato.

Nakaramdam naman ng intensity 1 ng lindol ang Digos City sa Davao del Sur at M’lang sa Cotabato.

Bagamat inaasahan ang pagkakaroon ng aftershocks ay wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa lindol.