Secretary Jaime J. Bautista.

600K license card pupunan backlog sa driver’s license

151 Views

ANG 600,000 license card na inihatid sa Land Transportation Office (LTO) ay madadagdag sa 1 milyon na dating ipinamahagi ng tanggapan sa nakalipas na dalawang linggo, ayon kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista.

“The 600,000 cards will fill the backlog from the previous year. Meron pa tayo nung additional na 1 million na nai-deliver sa LTO noong nakaraan,” Sinabi ni Sec. Bautista sa pag-turnover niya ng unang license card mula nang alisin ng Court of Appeals ang writ of preliminary injunction na inisyu ng Quezon City court noong 2023.

Sinabi ng transport chief na hindi bababa sa 2.2 milyon pang mga card ang ihahatid sa LTO sa Mayo, at ipapamahagi sa iba’t ibang LTO district at satellite offices.

“Now that the writ is lifted, we can now proceed with the issuance of license cards for new DL applicants and those who will renew,” saad ni Sec. Bautista.

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II na inaasahan nila ang paghahatid ng 3.2 milyong cards sa loob ng 45 araw mula noong unang paghahatid ng 1 milyong plastic cards noong March 25.