Romualdez

6M pabahay maaabot basta tulong-tulong—Speaker Romualdez

200 Views

KUMPIYANSA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na maaabot ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang target na makapagtayo ng 6 milyong murang bahay sa loob ng anim na taon.

Sinabi ni Speaker Romualdez na magagawa ng administrasyon kahit na ang pinakamataas na ambisyon nito kung magsasama-sama at magtutulungan.

“Our target: one million housing units every year. This is an ambitious target, but I am very confident we can achieve this through our unity in purpose and the cooperation of all stakeholders in the program,” sabi ni Speaker Romualdez.

Dumalo si Speaker Romualdez sa groundbreaking ng Legacy Housing Project ng Marcos administration sa Batasan Hills, Quezon City.

Ang proyekto ay tinatawag na “Bagong Bliss para sa Mamamayan ng Quezon City” ng lokal na pamahalaan at bahagi ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng Marcos administration.

Ito ay katulad ng Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) housing program ng ina ng Pangulo na si dating First Lady Imelda Romualdez Marcos noon ito ang minister ng human settlements ng bansa.

“President Marcos is addressing the country’s woes on all fronts almost simultaneously: food security, foreign investments, jobs and livelihood, public order and safety, health and social protection, and now social services like housing,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ipinangako ni Romualdez na gagawin ng Kongreso ang lahat upang masuportahan ang mga programa ng gobyerno.

“(Congress) will do everything to support our President in all of his programs because we also believe that if we work as one, we can achieve even the greatest of ambitions,” ani Speaker Romualdez. “This is how we move forward, this is how we move mountains.”

Ayon kay Speaker Romualdez mula pa noong unang araw ng administrasyon ay inatasan na ni Pangulong Marcos ang mga ahensya ng gobyerno na asikasiuhin ang pagtatayo ng murang pabahay para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

“Lahat daw po ng Pilipino ay may karapatan na magkaroon ng sariling bahay at ligtas na komunidad,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon sa lider ng Kamara pinalakas ni Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development ang ugnayan ng gobyerno at pribadong sektor upang makapagtayo ng murang pabahay.

“Thanks to President Ferdinand Marcos Jr., what used to be a dream for our marginalized countrymen will soon turn into a reality,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. “Sa wakas, abot-kamay na po ang mga pangarap ninyong lahat. You will have a house to call your own. Hindi na po kayo matatakot na mapaalis sa inyong mga komunidad. Your family can now live in peace in a safe and secure environment.”

Alam umano ng gobyerno ang kahalagahan sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling bahay at trabahong malilikha sa pagtatayo ng mga ito.

“We owe a great debt of gratitude to all those who made this housing project possible. We thank them for their hard work and commitment to making this program a reality,” sabi pa ng lider ng Kamara.