Lunod Source: File photo

7-anyos na bata tigok sa pool

11 Views

NASAWI ang 7-anyos na batang lalaki matapos malunod sa swimming pool sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City noong Linggo.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nalunod ang bata bandang alas-7:30 ng gabi sa swimming pool ng clubhouse sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Erwin Jay Mendez, may family outing sa nasabing lugar ang biktima kasama ang kanyang ina at iba pang mga kamag-anak.

Sa gitna ng kasiyahan ng pamilya, nakita ng lolo ng biktima na nasa ilalim ng swimming pool na may lalim na apat hanggang limang talampakan.

Sinagip ng lolo ang kanyang apo at isinugod sa Bernardino General Hospital kung saan ito idineklarang dead-on-arrival bandang alas-8:25 ng gabi.