BBM1

7 business tycoon sumama kay PBBM sa Davos

145 Views

SUMAMA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pitong business tycoon ng bansa sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland upang magpakita ng suporta.

Ito ay sina Sabin Aboitiz (Aboitiz), Kevin Andrew Tan (Alliance Global), Jaime Zobel de Ayala (Ayala Group), Lance Gokongwei (JG Summit Holdings), Ramon Ang (San Miguel Corp.), Teresita Sy-Coson (SM Investments), at Enrique Razon (International Container Terminal).

Ang World Economic Forum ang host ng pagtitipon kung saan maaaring i-promote ng mga lider ang kanilang mga bansa upang makapanghikayat ng mga mamumuhunan.

“One that is open for business – ever ready to complement regional and global expansion plans of both foreign and Philippine-based enterprises anchored on the competent and well-educated Filipino workers, the managers and professionals,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na nais nitong ipakita na handa ang Pilipinas sa pagnenegosyo.