BBM

7 kasunduan nilagdaan ng PH-Japan

232 Views

SINAKSIHAN nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japan Prime Minister Fumio Kishida ang paglagda sa pitong kasunduan na magpapalawak at magpapalalim sa ugnayan ng dalawang bansa.

Kasama sa mga kasunduang ito ang Exchange of Notes sa Japanese Official Development Project: North-South Commuter Railway Extension (NSCR) Project (II); Exchange of Notes sa Japanese Official Development Project: NSCR – Malolos to Tutuban Project (II); Loan Agreement para sa NSCR Extension Project (II); Loan Agreement para sa NSCR – Malolos to Tutuban Project (II); Umbrella Term of Reference (TOR) para sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) Cooperation.

Kasama rin sa kasunduan ang memorandum of cooperation (MOC) sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries on Agriculture Cooperation; at MOC sa larangan ng Information and Communications Technology.

Inilarawan ni Pangulong Marcos ang Japan bilang isang “trusted friend” na kaagapay nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at pag-unlad.

“We share common principles of democracy, respect for human rights and the rule of law,” sabi ni Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na sa Hulyo ay ipagdiriwang ang ika-67 anibersayo ng normalisasyon ng diplomatic relation ng Pilipinas at Japan.