Suspek Ang mga natimbog na mga suspek sa isinagawang buy-bust ng mga operatiba ng Carcar City police sa pamumuno ni PLt. Col. Arwen Nacional sa Brgy. Ocaña, Carcar City, Cebu. JONJON C. REYES

7 lalaki laglag sa shabu sa Cebu

Jon-jon Reyes Sep 12, 2026
95 Views

ARESTADO ang pitong lalaki na nasa talaan ng Station-Level Intelligence (SLI) ng Carcar City police sa buy-bust at nasabat ang siyam na gramo ng shabu at isang cal .38 revolver sa Sitio Bacsije, Brgy. Ocaña, Carcar City, Cebu noong Biyernes.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina alyas Albert, 50; Micheal, 42; Jorge, 38; Roel, 29; Alvarado, 44; Fred, 39; at Weljito, 59.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen De Silva Nacional, hepe ng Carcar City police, bandang alas-8:18 ng gabi ng isagawa ng mga operatiba ang buy-bust sa nabangit na lugar,.

Nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek at pagkumpiska ng mga nasabing droga ang operasyon.

Dinala sa Carcar City police ang mga naarestong suspek para sa detensyon at dokumentasyon.