PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Source: File photo
Provincial
7 ‘tulak’ ng shabu nahuli ng Bataan PNP
Christian Supnad
Aug 4, 2025
544
Views
CAMP TOLENTINO, Bataan–Pitong pinaghihinalaang tulak ang naswak sa rehas sa lalawigang ito noong Linggo, ayon kay P/Col. Marites Salvadora, Bataan police directress.
Sinabi ni Col. Salvadora na umaabot sa P738,000 ng shabu, baril at bala ang nakumpiska sa mga suspek.
Sa Brgy. Calero, Orani, tatlong pinaghihinalaang pushers ang nasakote sa buy-bust matapos magbenta ng shabu sa pulis.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na Jimo, Cardo at Dave.
Sa Samal, iniulat ni Col. Salvadora isang 22-anyos na suspek ang naaresto matapos magbenta ng shabu sa police poseur-buyer.
Sa Bagac, sinabi ni Major Roger Pecenio, chief of police, kay Col. Salvadora na nagsagawa sila ng anti-illegal drug operation na nagresulta sa pagkakahuli sa tatlong suspek.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

