UltraLotto

72-anyos nanalo ng P25M sa Lotto 6/42

143 Views

ISANG 72-anyos na retirado mula sa Pateros ang nanalo ng P25.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola noong Enero 31.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nanalo ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 31-41-29-25-20-08 sa nabanggit na bola.

May 25 taon na umanong tumataya sa lotto ang nanalo at may ilang pagkakataon na siya ay tumama na ng minor prizes.

“Madalas, 3 digits to 4 digits lang ang tinatamaan ko. Noon pa man, naniniwala talaga ako na may nananalo at alam ko rin na nakakatulong sa kapwa ang parte ng sales mula sa taya namin o ng publiko. Eh ngayon, sobra po ang pasasalamat ko sa Panginoon at gayundin sa PCSO dahil sa edad kong ito ay nabigyan pa rin ako ng tsansa na mabago ang buhay,” sabi ng nanalo.

Gagamitin umano ng nanalo ang kanyang premyo para ipaayos ang kanyang bahay at matatayo ng negosyo. Bahagi ng kanyang napanalunan ay itatabi umano nito sa bangko.