Mayor And Jovic

75th general assembly, eleksyon ng mga opisyal ginanap ng LCP

Helen D. Prado Aug 9, 2025
398 Views

DUMALO si Calapan City Mayor Doy Leachon sa 75th general assembly at election of officers ng League of Cities of the Philippines (LCP), ang asosasyon ng 149 na city mayors sa buong bansa.

Ang pagtitipon ay dinaluhan din ni DILG Secretary Jonvic Remulla bilang guest speaker.

Sa naganap na eleksyon, nahalal si San Juan City Mayor Francis Zamora bilang pangulo ng asosasyon.

Samantala, si Mayor Doy Leachon ay naitalaga sa National Executive Board bilang kinatawan ng MIMAROPA. Nagsilbi bilang national vice chairman ng LCP si Mayor Leachon mula 2010 hanggang 2013. Kuha ni Helen Prado