BI Photo Bureau of Immigration

8 dayuhan sisipain sa Pilipinas ng BI

Jun I Legaspi Nov 1, 2024
51 Views

NAKATAKDANG i-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang 8 ilegal na dayuhan na naaresto dahil sa iba’t-bang kaso noong Oct. 22 sa Ayala Alabang sa Muntinlupa City.

Kabilang sa ide-deport ang 6 na Chinese na lalaki, 1 Vietnamese na lalaki at 1 Chinese na babae ang inaresto ng mga operatiba ng BI’s intelligence division.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Department of Justice (DOJ) Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR).

Naaresto ang walo sa 3 magkahiwalay na kalye sa loob ng village. Walang dokumento ang 8 dayuhan.

Dalawa sa kanila ang overstaying at hinihinalang illegal entrant ang isa.

Nauna nang ibinahagi ng DOJ at ng NBI na ang 8 nakuhanan ng mga bagay na sangkot sa online scamming.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na nakatanggap sila ng impormasyon na mas maliliit na ‘bulsa’ ng mga scamming hub ang nabubuo matapos ang pagsasara ng malalaking POGO hubs sa bansa.