PulseAsia

82% naniniwala sa resulta ng 2022 elections

112 Views

NANINIWALA ang nakararaming Pilipino sa naging resulta ng May 2022 elections, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Batay sa resulta ng survey, 82 porsyento ang nagsabi na sila ay mayroong malaking tiwala sa naging resulta ng halalan samantalang 4 porsyento lamang ang hindi naniniwala dito habang ang nalalabi ay hindi tiyak ang sagot.

Ang survey ay kinomisyon ng Stratbase ADR Institute.

Nagsabi naman ang 89 porsyento na sila ay nasisiyahan sa paggamit ng vote counting machine samantalang 4 porsyento ang hindi at 7 porsyento ang hindi tiyak.

Nais din ng 89 porsyento na magpatuloy ang automated elections samantalang 4 porsyento ang tutol dito at 7 porsyento ang hindi tiyak ang sagot.

Ginawa ang survey mula Hunyo 24 hanggang 27 at kinuha sa face-to-face interview ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong sampling error of margin na ±2.8%.