Calendar

87th b-day ni ex-VM Danny Lacuna ipinagdiwang sa Manila
IPINAGDIWANG sa Manila ang ika-87-anibersaryo ng kapanganakan ng ama ni Mayor Honey Lacuna na si dating bise alkalde Danilo “Danny” Lacuna Sr. noong Marso 23, 2025.
Madamdamin ang pahayag ni Mayor Lacuna sa kanyang FB account sa paggunita sa kapanganakan ng kanyang ama na isa sa mga founding members ng Asenso Manileño.
“On your special day, Dad, we celebrate the wonderful man you were and the legacy of love you left behind. Happy Birthday in heaven. I love you!” pahayag ni Mayor Lacuna.
Nakilala si Vice Mayor Lacuna sa kanyang pagiging maawain, may integridad at pagnanais na mai-angat ang buhay ng mga Manileños.
Ipinaglaban ng dating bise alkalde ang mga panuntunan na direktang pinakinabangan ng tao, na nagtataguyod ng pamamahalang kasama ang lahat upang magpanatili ang pag-unlad.
Ang pamamaraan ng pamumuno ng dating bise alkalde ang naging gabay ni Mayor Lacuna upang matiyak na magiging wasto ang paggasta ng pondo at maipatupad ng maayos at mabisa ang mga proyekto at bukas sa lahat ang serbisyong ipinagkakaloob ng gobyerno.
“It is with great honor and pride that my siblings and I carry the Lacuna name.
Here in the country’s capital, an honored name bears heavy moral gravitas,” pagwawakas ni Mayor Lacuna.