Rambola

9 sasakyan nagkarambola sa Ilocos Sur, 3 patay

Zaida Delos Reyes Feb 17, 2025
30 Views

PATAY tatlong tao kabilang ang dalawang driver ng motorsiklo sa karambola ng siyam na sasakyan sa national highway ng Candon City, Ilocos Sur.

Kabilang sa mga nagbanggaang sasakyan ang isang Honda CRV, Toyota Innova, Mitsubishi Strada, tatlong motorsiklo at tatlong tricycle.

Batay sa inisyal na ulat ng PNP, binabaybay ng walong sasakyan ang southbound lane ng highway habang nakaparada naman sa gilid ng kalsada ang isang Mitsubishi Strada.

Nagsimula ang aksidente nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng CRV at mabangga nito ang isang motork at araruhin pa ang iba pang motorsiklo , sasakyan at tricycle .

Dahil sa aksidente, walo pang pasahero at driver ang nasugatan at isinugod sa Candon City Hospital at Ilocos Sur Medical Center.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.