Gatchalian

94% pabor sa pagbabalik ng face-to-face classes—Pulse Asia

289 Views

PABOR ang 94% ng mga Pilipino sa pagbabalik ng face-to-face classes ng mga bata, ayon sa resulta ng survey ng Pulse Asia na kinomisyon ni Senator Sherwin Gatchalian.

Ayon sa survey, 67 porsyento ang talagang pabor at 27 porsyento ang medyo pabor sa pagbabalik ng face-to-face classes sa paparating na pasukan.

Hindi naman siguro ang apat na porsyento kung sila ay pabor o hindi ang nalalabi ay hindi pabor.

Pinakamarami ang pabor sa Visayas at Mindanao na parehong nakapagtala ng 97 porsyento, 86 porsyento sa Metro Manila at 94 porsyento sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Ginawa ang survey mula Hunyo 24 hanggang 27 at mayroon itong sampling error of margin na ±2.8 porsyento.