Riots Source: File photo ni JONJON C. REYES

97 na sangkot sa Sept. 21 riots kinasuhan ng sedition

Edd Reyes Nov 3, 2025
207 Views

SINAMPAHAN na noong Lunes sa Department of Justice ng mga kasong inciting to sedition, conspiracy at proposal to commit sedition at sedition ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 97 katao na nanggulo habang nagra-rally sa maraming lugar sa Maynila noong Sept. 21.

Sinabi ni CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II na kasama sa mga kinasuhan ang mga sinasabing financiers ng rally.

“The investigation is continuing and in the next few days, we will be filing again cases against the instigators and supposed people behind the violent incident in Recto and in Mendiola,” sabi ni Morico.

Ayon sa CIDG director, kilala na nila ang mga pasimuno ng rally base sa sa mga kumakalat na videos. Kasama sa na-decipher na video ang utos na sunugin ang Malacañang.

Sa kaugnay na balita, sinabi ni PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na naghahanda na ang PNP sa malawakang protesta sa Nov. 30.

“Alam natin the rallyists coming from the Luneta (Rizal Park) grandstand, the group coming from Liwasang Bonifacio, en route to People Power Monument and the EDSA Shrine (in Quezon City).

Alam naman natin na dadaan ‘yun sa Malacañang. Kaya nga tayo nagharang, naglagay tayo ng mga barrier doon,” sabi ng PNP chief.