Bautista

Pagsasapribado ng operasyon ng MRT-3 ikinokonsidera ng DOTr

186 Views

IKINOKONSIDERA ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasapribado ng Operations & Maintenance (O&M) ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Iginiit naman ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista na dapat manatiling abot-kaya ang pasahe sa MRT-3.

Bahagi ng pamasahe sa MRT-3, Light Rail Transit 1 at 2 ay binabayaran ng gobyerno upang maging abot-kaya ng publiko ang halaga nito.

Kung hindi isa0subsidize ng gobyerno, ang pamasahe sa tren ay aakyat sa P100 kada sakay.

“We are looking at partnering with private rail operators for MRT 3’s operations and maintenance – under the same scheme with LRT 1 – with the rail line’s assets remaining government owned,” sabi ni Bautista.

Inaasahan umano na mas gaganda ang serbisyo ng MRT-3 kung maisasapribado ang operasyon nito.

Mananatili namang pagmamay-ari ng gobyerno ang MRT-3.