BBM2

PBBM hinamon Ukraine, Russia na humanap ng mapayapang solusyon sa problema

145 Views

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng may kaugnayan sa Russia-Ukraine conflict na hanapan ng mapayapang solusyon ang kanilang hindi pagkakasundo.

Sinabi ni Marcos na dapat isaalang-alang sa usapan ang naging epekto ng gulo ng dalawang bansa sa buong mundo.

“We are also concerned with the severe and disruptive international economic ramifications of this ongoing conflict, particularly on global food and energy security and commodity supply chains,” ani Marcos sa 41st ASEAN Summit Retreat Session.

Lubhang nakaapekto na ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine sa pamumuhay ng maraming tao dahil pinataas nito presyo ng produktong petrolyo, pagkain at iba pang pangangailangan.

“We always urge peace in the resolution of these conflicts,” dagdag pa ng Pangulo.

Nagpahayag din ng pangamba ang Pangulo sa ginawang pagpapalapad ng missile ng North Korea kamakailan.