BBM1

PH, Cambodia nagkasundo sa pagpapalakas ng agrikultura, digitalization

174 Views

NAGKASUNDO ang mga opisyal ng Pilipinas at Cambodia na magtulungan para mapalakas ang sektor ng agrikultura at digitalization.

Napag-usapan din umano ang pagtutulungan sa larangan ng enerhiya, murang pabahay, garment at traveling bag manufacturing.

Nabanggit din umano ang pagnanais ng Cambodia na kumuha ng mga Filipino nurse.

Humarap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at iba pang opisyal ng Pilipinas sa isang CEO roundtable discussion kasama ang mga opisyal ng iba’t ibang kompanyang nakabase sa Cambodia.

Ipinahayag din ng Pangulo ang 7.6 porsyentong paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, na isa sa pinakamataas sa Asya.