Tulfo

Sen. Erwin Tulfo mariing kinondena pangungutya kay Josh Aquino

40 Views

MARIIN kong kinokondena ang pangungutya kay Joshua Aquino sa isang podcast ng ‘Machong Chismisan,’ kung saan tinawag siya na “walang kwenta.”

Ito ang binigyang diin ni Sen. Erwin Tulfo, na siyang Chairman ng Social Justice and Welfare ng Senado.

Dagdag ni Tulfo na kabalintunaan na kung sino ang walang kapansanan, sila pa ang tila may kakulangan sa pag-intindi at sensitibidad sa mga pinagdadaanan ng mga persons with disability (PWD).

Kung nagagawa ito sa mga PWD na mula sa mga kilalang pamilya, paano pa kaya ang diskriminasyon sa mga ordinaryong Pilipino na PWD?

Idinidiin ko: Hindi ginagawang punchline ang kapansanan.

Hindi kasalanan ng isang tao na magkaroon ng kapansanan at walang puwang ang diskriminasyon para sa mga kababayan nating PWD.

Malayo na ang narating ng ating bayan para sa proteksyon ng mga PWDs. Ngunit, patunay ang insidenteng ito na malayo pa ang tatahakin natin.

Kaya patuloy po tayo sa pagsusulong ng mga polisiyang pro-PWD tulad ng Senate Bill No. 1405 na magtatakdang gawing lifetime na ang validity ng PWD ID ng may mga permanenteng kapansanan.

At Senate Bill No. 1830 o pagbibigay nang mas maayos na access sa mga PWDs sa mga tourism sites.

Hindi po tayo natatapos sa pag-kondena. Patuloy po ang totoong pakikipaglaban natin para sa mas maayos na karapatan ng mga PWD sa bansa.