Jinggoy

Gatchalian: Jinggoy suspendido rin bilang senator-judge

43 Views

SAKOP din ng preventive suspension kay Sen. Jose “Jinggoy” Estrada ang kanyang pagiging senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.

Noong Oktubre 12, muling isinailalim ng Fifth Division ng Sandiganbayan si Estrada sa 90-araw na preventive suspension, matapos mapaso ang unang suspensyon na ipinataw noong Hunyo.

“That’s my position. Dahil ang pagiging senator judge mo nakakabit yan sa pagiging senator mo. Pag suspended ka sa pagiging senator, suspended ka rin sa pagiging senator judge,” ani Gatchalian.

Batay sa posisyong ito, hindi makauupo si Estrada bilang hukom sa paglilitis habang suspendido.

Nahaharap si Estrada sa mga kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y kickback sa mga flood control project. Naghain daw siya ng not guilty plea noong Setyembre.

Sa ilalim ng batas, hindi parusa ang preventive suspension. Awtomatiko umano itong matatapos pagkalipas ng 90 araw.

Ayon kay Gatchalian, nakadepende pa sa presentasyon ng depensa kung kailan matatapos ang paglilitis kay Duterte. Putol-putol daw ang iskedyul ng trial sa Nobyembre dahil sa pagtalakay sa budget.

“Hopefully, we can finish it soon,” wika niya.