Cong. Martin G Romualdez

Speaker Romualdez: Pagbisita ni PBBM sa Cambodia tagumpay

Mar Rodriguez Nov 13, 2022
158 Views

IPINAHAYAG ngayon ni House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez na naging prodaktibo ang biyahe ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa bansang Cambodia matapos ang matagumpay na pagpo-promote nito tinatawag na “national interest” ng bansa at pagpapalawak sa relasyon ng Pilipinas sa regional and international partners nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang matagumpay na pagsusulong ni Pangulong Marcos sa “national interest” ng Pilipinas at pagpapalawak sa regional at international partners ng bansa ay naganap sa ika-40th at ika-41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit at kaugnay na summit na ginanap sa Cambodia.

Kasama si Romualdez sa naging “state visit” ni Pangulong Marcos sa nasabing bansa. Kung saan, nakasama din ang House Speaker sa ilang session ng summit at bilateral meeting na dinaluhan ng Pangulo kasama ang iba’t-ibang Presidente na miyembro ng ASEAN.

“President Marcos has skilfully managed to promote our country’s national interest not only through his participation during the summit session but also in his interactions and exchanges with fellow leaders in ASEAN and dialogue partners,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sinabi pa ni Romualdez na naging kahanga-hanga din ang naging panawagan ni Marcos kaugnay sa pagkakaroon ng kaukulang “conclusion” sa “Code of Conduct” sa South China Sea base sa international law. Matapos ang ginanap na ASEAN-China summit.

“The agreement between President Marcos and Chinese Premier Li Keqiang to further enhance Philipine-China relations bode well for the easing of tensions in the South China Sea and for our country’s energy and food security,” sabi pa ni Speaker Romualdez.