Calendar
Barbers: WPS di larangan ng tunggalian ng magkakaibang propaganda
“HINDI makalilikha ang Tsina ng soberanya sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsisinungaling, ni hindi nito magagawang gawing lehitimo ang isang ilegal na pag-aangkin sa pamamagitan lamang ng pagpapakalat ng sarili nitong bersiyon ng kuwento,” pahayag ni Barbers.
Ito ang pahayag ni Robert Ace S. Barbers, dating kongresista ng ng Surigao del Norte.
Sinabi ng dating kongresista at gobernador ng Surigao del Norte na ang West Philippine Sea ay hindi larangan ng tunggalian ng magkakaibang propaganda, kundi isang usaping pinamamahalaan ng internasyonal na batas.
Dapat patuloy na manindigan ang Pilipinas sa pasya ng arbitral tribunal noong 2016, na tumanggi sa legal na batayan ng malawak na pag-aangkin ng Tsina sa pamamagitan ng nine-dash line.
Sinabi ni Barbers na dapat harapin ang mga pagtatangkang baguhin ang salaysay tungkol sa usapin sa pamamagitan ng mga katotohanan, mapagkakatiwalaang ebidensiya, matatag na paninindigang diplomatiko, at tuloy-tuloy na pagsisiwalat sa publiko ng mga insidenteng kinasasangkutan ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at mga puwersang Tsino.

