Calendar
Australia pinasalamatan ni PBBM sa pagtulong sa anti-human trafficking
NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Australia sa pagsuporta nito sa Bohol Trafficking in Persons (TIP) work plan na bahagi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Convention on Trafficking in Persons Especially Women and Children.
“This partnership will strengthen our regional responses and keep us in step with the constantly evolving schemes of transnational criminals and traffickers,” ani Marcos sa 2nd ASEAN-Australia Summit sa Phnom Penh.
Nanawagan din si Marcos sa Australia na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan nito sa ASEAN Technical and Vocational Education Training (TVET) Council upang mapatatag ang TVET system sa mga miyembro ng ASEAN.
Hinimok din ni Marcos ang Australia na suportahan ang ASEAN Center for Biodiversity (ACB) upang malabanan ang epekto ng climate change.
Pinasalamatan din ni Marcos ang Australia sa pagpapatupad nito ng Strategic Plan for ASEAN Cooperation in Food, Agriculture and Forestry for 2016 – 2025.
“Food-resilience and food self-sufficiency are two of our very basic and foremost priorities in the Philippines. We need to protect the region and our countries from shocks on the global food value chain, as well as against the adverse effects of climate change,” anang Pangulo.