Calendar
PBBM nagpasalamat sa tulong ng Japan
PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Japan sa patuloy nitong pagsuporta sa Pilipinas at sa pagbubukas nito ng pinto sa libu-libong Pilipino na nagtatrabaho roon.
“I cannot end my remarks without expressing my appreciation for Japan’s hospitality and protection for over 250,000 Filipinos who now call Japan home,” ani Marcos sa ika-25 ASEAN-Japan Summit in Phnom Penh. “They have been taken in by the Japanese people and have now found a place to live and work happily. For that we will always be grateful.”
Sinabi ni Marcos na isa ang Japan sa tumulong sa Pilipinas upang malabanan ang COVID-19 pandemic.
“Our cooperation during the COVID-19 pandemic shows the agility of our partnership – we came to depend on Japan’s substantial assistance to the COVID-19 ASEAN Response Fund and to the ASEAN Comprehensive Recovery Framework,” anang Pangulo.
Binanggit din ng Pangulo ang pagtulong ng Japan sa disaster management partikular ang suporta nito sa ASEAN Coordination Council for Humanitarian Assistance on Disaster Management o AHA Center na nagtayo ng satellite warehouse sa Pilipinas at Thailand.
Ang mga satellite warehouse na ito kasama ang DELSA warehouse sa Malaysia ay titiyak umano na mabilis na makararating ang tulong sa mga masasalantang bansa sa ASEAN.