Sunog

LOLA SINAKSAK SA LEEG, SINUNOG SA TINDAHAN

Gil Aman Oct 18, 2026
37 Views

HINIHINALANG sinunog ang tindahan ng 67- anyos na lola upang pagtakpan ang suspek na sumaksak sa matandang biktima sa kanyang sari sari store sa Barangay Magdapio,Pasanjan,Laguna nitong Biyernes, Octubre16, 2026

Unang iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nasunog ang tindahan ng matanda dahil sa umano’y faulty electrical wiring subalit taliwas sa isinagawa ng Pagsanjan police.

Ayon sa pagsisiyasat ang nasabing lola ay natagpuang patay matapos saksakin sa leeg bago sinunog ang kanyang sari-sari store sa Barangay Magdapio ng suspek na naaresto.

Lumitaw sa death certificate na may saksak sa leeg ang matanda indikasyon na ito ay sinaksak saka sinunog ang tindahan sa

Pagsanjan, Laguna, noong Biyernes bandang alas tres ng madaling araw, October 16.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Pagsanjan Municipal Police Station, unang iniugnay ng Bureau of Fire Protection sa faulty electrical wiring ang sunog na naiulat dakong alas-3 ng madaling araw.

Sumuko naman ang suspek matapos imbitahan ng pulisya sa kanilang bahay.

Inaalam din ng pulisya ang motibo sa krimen.