Calendar
Iniharap ni PLt.Col.Rommel Anicete ang suspek sa pagnanakaw matapos matimbog ng mga operatiba ng MPD Baseco Police,sa Old Site, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Binata dinampot sa tabi ng simbahan dahil sa kasong pagnanakaw
ARESTADO ang 49-anyos na binatang promodiser ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 dahil sa kasong pagnanakaw, Martes nga gabi.
Ang suspek ay nakorner sa tabi ng Sayson Church, 306 Block 6, Old Site, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Nakilala ang suspek na si alyas Anton, 49,tubong Daraga, Albay, at residente ng Block 6, Old Site, Brgy. 649, Baseco Compound.
Ayon sa report na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station, bandang alas-9:05 ng gabi nang matyempuhan ang suspek.
Sa isinagawang operation sa pamumuno ni PLt. Apolonio Ellao, isinilbi ang Arrest Warrant sa nasasakdal na inisyu ni Judge Kirby Gaspar Javier, ng MeTC Branch 166, Pasay City, para sa kasong pagnanakaw.
Inirekomenda ang piyansang P6,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Maayos na naisilbi sa nasasakdal ang Warrant of Arrest at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang alam at nauunawaan niya.
Nasa kustodiya ng mga pulis ang nasasakdal.
