Quimbo

Ayuda makatutulong sa pagpapalago ng produksyon, panlaban sa pagtataas ng presyo ng bilihin

198 Views

MAKAKATUTULONG umano ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno upang mapalakas ang lokal na produksyon ng mga produkto na siya namang makapapapababa ng presyo ng mga bilihin.

Ito ang sinabi ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo kanyang pagpuri sa naitalang 7.6 porsyentong paglago sa gross domestic product ng bansa sa ikatlong quarter ng 2022, ang unang quarter ng Marcos administration.

“We welcome these developments. Despite high inflation in the third quarter of 2022, we saw growth in output in the same quarter. On the supply side, all sectors grew. At the same time, domestic demand remained robust,” ani Quimbo, senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations.

Sinabi ni Quimbo na upang maawat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kailangang dumami ang suplay at magagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiya sa mga magsasaka.

“At this point, the best defense against inflation is domestic output expansion. The government has been providing fuel and fertilizer subsidies to boost agricultural production. We should consider expanding this program to better support our producers,” suhestyon ni Quimbo.

Sa ilalim ng panukalang 2023 national budget, naglagay ang Marcos administration ng P206.5 bilyong halaga ng subsidy at cash assistance fund para tulungan ang mga sektor na lubhang naapelktuhan ng pandemya at mataas na presyo ng mga bilihin.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nakakuha ng malaking bahagi nito na umaabot sa P165.4 bilyon para sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa.

Mayroon ding matatanggap na pondo para sa ayuda ang Department of Health (DoH), Department of Labor and Employment (DoLE), at Development of Agriculture (DA).

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash assistance, sinabi ni Quimbo na mapalalakas ng gobyerno ang paggastos ng mga mamamayan na mahalaga sa pagbangon ng ekonomiya.

“This enables greater consumption and well-being, especially when targeted to the most vulnerable sectors. We see the relevance of providing immediate assistance to qualified Filipinos through programs such as the Assistance to Individuals in Crisis Situations or AICS program of DSWD,” sabi ni Quimbo.

Dahil ang pagtaas ng demand ay magpapataas sa presyo ng produkto sinabi ni Quimbo na kailangang makasabay ang pagdami ng suplay.

“Nevertheless, the most immediate solution is to increase imports to fulfill most urgent domestic needs,” aniya.

Kaya dapat umanong patatagin ang lokal na produksyon upang hindi na kailangang umasa ng bansa sa pag-angkat at malimitahan ang epekto sa Pilipinas ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.

Sinabi ni Quimbo na dapat ding palakasin ang export industry upang makinabang ito sa mahinang piso kontra sa dolyar.

“While the peso depreciation has been raised as a concern by some sectors, this can be an opportunity for exporters to boost their sales. In fact, exports grew by 13.1 percent in the third quarter. As the economy slowly reopens, we should exploit the existing advantage of the sectors that stand to gain from a weakening peso, such as tourism and export industries,” dagdag pa ng lady solon.