Villar

Las Pinas Cong. Camille Villar tinanghal na Gov’t Hero of the Year sa Stevie Awards

Mar Rodriguez Nov 14, 2022
157 Views

TINANGHAL bilang “Government Hero of the Year ng prestisyosong “Stevie Awards for Women in Business” si House Deputy Speaker at Las Pinas Cong. Camille A. Villar. Bunsod ng naging pagtugon at pakikipaglaban ni Villar sa COVD-19 pandemic sa Pilipinas.

Pinarangalan si Villar sa “COVID-19 response category” bunsod ng naging pagtugon nito sa panahon ng pandemiya. Kung saan, isinagawa ang parangal sa Caesar’s Palace sa Las Vegas USA noong Nobyembre 11.

Dahil dito, sinabi ng Las Pinas lady solon na isa aniyang malaking karangalan para sa kaniya na kilalanin ng “Stevie Awards” ang naging kontribusyon nito sa kasagsagan ng pandemiya sa bansa.

“It is truly an honor to be recognized by Stevie Awards for our work particularly in our fight against COVID-19. I am grateful to the board of judges for acknowledging the vaccine incentives program that we established called by May Bahay sa Bakuna to boost the vaccine uptake our constituents in Las Pinas,” sabi ni Villar.

Inilunsad ni Villa rang “May Bahay sa Bakuna” sa kalagitnaan ng 2021 upang hikayatin ang mga nag-aalinlangang residente sa Las Pinas para magpa-bakuna laban sa paglaganap ng COVID-19 kapalit ng raffke ticket o bonanza na may kasamang malalaking premyo.

“The Government Hero of the Year category is given to female government employees who have gone above and beyond the call of duty in 2020-22 to keep us safe and informed amid the pandemic,” dagdag pa ni Villar.