Calendar
Billiards legend Amang Parica.
Parica Cup magbubukas ng oportunidad para sa mga Pinoy cue artists
NAKARATING muli sa bansa ang dating kilalang billiards legend na si Jose “Amang” Parica upang magbakasyon at paghandaan ang pagdaraos ng Parica Cup na itinakda na sa Pebrero 2027.
Inihayag ng 77-year old Pinoy pool star na nakabase sa Los Angeles, California, USA na magkakaroon ng sarili nitong torneo upang makahanap ng mga may potential na susunod sa yapak sa kanya.=
“May date na. February 3-6. May mga nagsponsor na tatlong malaking tao. Ang Amang’s Cup, open yan, ang [kagandahan] ay ang papremyo kasi malakihan ang papremyo katulad ni Efren [Bata Reyes], malaki ang papremyo kasi lahat ng player, meron kaagad 10k bawat isa. Sabi ko sa sponsor, gagawin natin maglalaban-laban saka paglabanin ang last 8 years, dun pwede ibuhos ang papremyo,” pahayag ni Parica sa lingguhang Philippine Sportswriters Association Forum.
Ayon kay Parica na kinikilala bilang isa sa mga Hall of Famers ng Billiards Congress of America, mahalaga ang pagdaraos ng mga torneo upang makahanap ng mga susunod na superstars sa larong bilyar at maitaas ang antas at kalidad nito lalo na isa ang Pilipinas sa mga naging top producers ng world champions sa billiards.
“Talagang gusto ko kasi medyo marami tayong world champions na anim o pito pero ang iba, naawa ko sa kanila kasi pagkatapos ko nag-world champion, di sila kinikilala ng gobyerno natin, yan ang gusto ko tulungan sila ng nag-magandang buhay at magkaroon ng pensyon, ” wika niya.
Para kay Parica, sikreto ng pagiging world champion ay ang unti-unting pag-expose habang bata pa sa mundo ng bilyar sa pamamagitan ng mahabang preparasyon at paglahok sa mga malalaking torneo.
“Nagiging popular ito sa Pilipinas lalo na sa bata, kasi nagsimula ako ng seven years old tapos ang mga bata at the young age nagiistart na sila kasi pagdating ng ilang panahon, matuto ka na sa bilyar, hindi pwede isang buwan o isang taon, aabot ka ng three-four years para magaling ka at para maging gifted,” sambit niya.
.Bukas rin si Parica na makatapat sina Reyes at ang eight-division world champion Secretary Manny Pacquiao para sa isang posibleng exhibition match. By Gab Ferreras
