DBM

P6.8B nalalabing calamity fund ng gobyerno—DBM

175 Views

NAGKAKAHALAGA ng P6.8 bilyon ang nalalabing calamity fund ng gobyerno, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa DBM ang pondo ay nasa ilalim ng budget na nakalaan para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) ngayong taon.

Maaaring magamit ang calamity fund sa mga lugar na isinailalim ng Pangulo sa state of calamity.

Kamakailan ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Proclamation 84 na nagdedeklara ng state of calamity sa Region IV-A (Calabarzon), V (Bicol), VI (Western Visayas), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bunsod ng pinaslang naidulot ng bagyong Paeng.

Ngayong 2022, sinabi ng DBM na P19 bilyon ang nakalaan sa NDRRMF at P1 bilyon sa Marawi Recovery, Rehabilitation, and Reconstruction Program (MRRP).