DHSUD

EO para magamit sa pabahay nakatiwang-wang na lupa ng gobyerno ilalabas ng Palasyo

174 Views

MAGLALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Executive Order (EO) upang magamit sa pabahay ang mga nakatiwang-wang na lupa ng gobyerno.

Ayon kay Marcos makikipagpulong din ito sa mga bangko at iba pang financial institutions para matulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pagtatayo ng 1 milyong bahay kada taon sa susunod na anim na taon.

Ang EO ay isusunod umano sa Section 24 ng Republic Act No. 11201 kung saan nakasaad na dapat tukuyin ng mga ahensya ng gobyerno ang mga nakatiwang-wang na lupa na maaaring gamitin sa pabahay.

Ang RA 11201 ang batas na nagtayo ng DHSUD.

Sa paunang pag-aaral, umaabot umano sa 16,000 hektarya na pagmamay-ari ng iba’t ibang ahensya ang maaaring gamitin sa socialized housing ng gobyerno.