Calendar
OMMC humingi ng pang-unawa, ER lagpas na sa kapasidad
NAGLABAS ng abiso sa publiko ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila na nagpapabatid na lagpas na sa kapasidad ang mga pasyente sa Emergency Room (ER) ng Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC).
Sa inilabas na abiso, nasa 171% na noong Huwebes ng gabi, Nobyembre 5, 2026, ang kapasidad ng ER ng OMMC kaya’t hinihiling sa mga pasyenteng nangangailangan ng emergency care na magpasensya habang naghihintay o ikonsidera ang pagpunta sa iba pang kalapit na ospital na may kakayahang tumanggap ng karagdagang pasyente.
Handa naman ang mga ambulansya ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) na tumulong sa paglilipat ng mga pasyente kung kinakailangan.
Kabilang sa mga pasyenteng inaasikaso sa kasalukuyan ng ER ng OMMC ang pediatric community-acquired pneumonia (PCAP), acute gastroenteritis (AGE), at dengue sa kanilang Pedia, hypertension, stroke, heart failure, at community acquired pneumonia sa Intramascular o IM, at mga nasangkot sa aksidente sa lansangan o trauma at biliary colie sa kanilang GS o General Surgery.
Humihingi ng pang-unawa ang Ospital ng Maynila habang patuloy na ginagawa ang lahat ng makakaya upang mabigyan ng nararapat na atensyon at pangangalaga ang bawat pasyente.

