Calendar
Motorsiklo vs van sa Rizal, rider tsugi

TANAY, RIZAL — Patay ang isang rider matapos salpukin ng Hiace van ang kanyang motorsiklo sa Sitio Balimbing, Sampaloc Road, Brgy. Plaza Aldea sa bayang ito noong Huwebes.
Dead-on-arrival sa Tanay General Hospital ang biktimang si alyas Rex na nagtamo ng malalang pinsala sa katawan matapos malamog ang minamanehong itim na Suzuki Raider J 115.
Batay sa imbestigasyon ng Tanay Municipal Police Station (MPS), bandang alas-6:20 ng umaga nang naganap ang aksidente.
Bumabagtas-umano ng isang puting Toyota Hiace van (NEB4671) na minamaneho ni alyas Angge nang aksidenteng makabanggaan ang motorsiklo na nagmumula sa kabilang direksyon.
Sa kabila ng trahedya, nagkasundo ang magkabilang panig hinggil sa insidente.
Naghain ng written na pahayag ang asawa ng biktima na si Erlinda Llanos na hindi na magsasampa ng kaso laban kay alyas Angge.

