Chooks

Cebu Chooks asam ang ticket sa HK Masters

Robert Andaya Nov 18, 2022
379 Views

INAASAHANG magiging kapanapanabik at hitik sa aksyon ang 2022 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Quest 2.0, na nakatakdang ganapin sa Linggo, Nov. 20 sa Ayala Malls Solenad sa Sta. Rosa, Laguna.

Sasabak ang Cebu Chooks at Manila Chooks, ang dalawang pangunahing.3×3 teans sa bansa, sa magkahiwalay na grupo sa naturang level-7 FIBA 3×3 tournament.

Ang Cebu Chooks ay lalaro sa Pool A, kasama ang Makati MNL Kingpin, Botolan Hayati, at Butuan Chooks, habang ang Manila Chooks ay sasabak sa Pool B kasama ng Talisay EGS, General Santos, at Quezon City.

Nakataya sa prestihiyosong 3×3 tournament ng Chooks ang ticket para makalaro sa 2022 FIBA 3×3 World Tour Hong Kong Masters at cash prize na P100,00.

Ang Cebu Chooks, na binubuo nina Mac Tallo, Brandon Ramirez, Mike Nzeusseu at Marcus Hammonds, ay umaasang makakabawi matapos ang nakapanlulumong 0-2 campaign sa Riyadh Masters na kung saan natalo sila sa Ub Serbia (11-117) at Doha Qatar (15-17).

“Ang daming nangyari sa team like ‘yung injury ni Vince at ‘yung pagod sa travel dahil sa circuit. Pero hindi ‘yun excuse dahil nandito na rin kami, eh,” pahayag ni Tallo.

“Kailangan namin mag-finish strong this season para sa buildup for the crucial 2023 season.”

Unang makakaharap ng Cebu ang Makati.

Ayon sa standard one-day FIBA 3×3 tournament, ang mga teams na nasa parehong grupo ay maghaharap sa elimination round.

Ang top two teams sa bawat pool at aabante sa knockout semis. Kung magkaroon ng tie, ang total points na na-iskor ng bawat team ang magsisilbing tiebreaker.

Ang second at third placers ay tatanggap naman ng P30,000 at P20,000, ayon sa pagkasunod.

Bago ang finals, mahkakatoon din ng Sudan Daniel Slam Dunk Contest.