Barbers

House Committee on Dangerous Drugs determinado na puksain pagpasok ng mga kontrabado sa loob ng mga detention facilities

Mar Rodriguez Nov 18, 2022
145 Views

DETERMINADO ang House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ng isang Mindanao congressman na tuluyang sawatain ang talamak at garapalang pakundangang pagpasok ng mga kontrabando at illegal drugs sa lahat ng mga kulungan o detention facilities sa bansa.

Isinulong ni Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers, Chairman ng Dangerous Drugs Committee, ang House Bill No. 6126 upang tuluyan ng wakasan ang laganap at garapalang pagpasok ng mga kontrabando katulad ng illegal na droga sa loob ng mga kulungan partikular na sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Sa ilalim ng panukalang batas ni Barbers, oobligahin at magiging mandato na para sa lahat ng detention facilities sa bansa ang pagpapatupad ng tinatawag na “detection and control system” upang mapigilan ang pagpupuslit o pagpasok ng mga kontrabando sa loob ng mga kulungan.

Binigyang diin ni Barbers na sa halip na ma-reporma ang isang bilanggo sa loob ng kulungan. Lalo lamang itong mas nagiging malala dahil narin sa mga illegal activities na nangyayari sa loob mismo ng mga kulungan bunsod ng pagpasok ng illegal na droga at mga kontrabando.

“The proliferation of contraband in prisons has remained a perennial problem in the country. It’s never ending presence inside  the correctional facilities has now transformed our prison institutions into breeding grounds for continuing criminality,” ayon kay Barbers.

Sinabi pa ng Mindanao solon na hindi maikakaila na ilang beses na rin nagkaroon at nagsagawa ng mga raid sa loob ng NBP kung saan, nakumpiska ang bulto-bultong shabu at iba pang illegal na droga. Kabilang na ang ilang kontrabando tulad ng cellphone.

Ayon kay Barbers, sa loob din ng NBP nadiskubre ang isang “middleman inmate” na gumamit ng cellphone para umupa ng isang “gun for hire” na papatay sa dating sikat na broadcaster at TV personality na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si “Percy Lapid”.

“Of course, its very alarming that persons who are supposed to be serving their sentences behind bars still have the liberty to access gambling materials, dangerous drugs and deadly weapons and can use communication devices to continue their criminal activities outside of prison,” dagdag pa ni Barbers.