BBM

Renewable energy prayoridad ng Marcos admin

165 Views

BIBIGYANG prayoridad ng Marcos administration ang paggamit ng renewable energy upang matugunan ang pangangailangang pataasin ang suplay ng kuryente sa bansa.

Sa pagbubukas ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit sa Bangkok, Thailand, sinabi ni Marcos na target ng Pilipinas na itaas sa 35 porsyento ang renewable energy mix sa paglikha ng kuryente sa 2030.

Sa taong 2050, target umano ng bansa na maitaas ito sa 50 porsyento.

Sinabi ng Pangulo na isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng bansa ay ang climate change na lubhang nakakaapektp sa ekonomiya hindi lamang ng Pilipinas kundi ng mundo.

Ayon sa Pangulo ang Pilipinas ang isa sa lubhang nakararanas ng epekto ng climate change at batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) ay aabot na ito sa mahigit 6 porsyento ng gross domestic product (GDP) ang mawawala sa bansa dahil dito sa taong 2100.

Apektado rin umano ng climate change ang suplay ng pagkain na siyang dapat na maging prayoridad ng lahat ng bansa.

“Food security should be a top priority for all governments, developing economies must especially have policy flexibility to ensure increased domestic food production and diversification and improve the local agricultural supply chain,” ani Marcos.