Bautista

Passenger terminal ng siyam na paliparan may libreng wi-fi

Jun I Legaspi Nov 18, 2022
263 Views

PUMASOK sa isang kasunduan ang Department of Transportation (DOTr) at fiber broadband network provider na Converge para sa pagbibigay ng libreng wi-fi service sa siyam na paliparan sa bansa.

“This joint project with Converge signifies our commitment to improve the connectivity services in our transport facilities, particularly in our airports. We are launching this initiative to provide connectivity to our passengers through digital technology,” sabi ni DoTr Secretary Jaime Bautista.

Ikakabit ang libreng wi-fi sa arrival at departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Francisco Bangoy International Airport at Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Magkakabit din ng libreng-wifi sa Bacolod-Silay Airport, Iloilo International Airport, Laoag International Airport, Pagadian Airport, Tacloban Airport at Zamboanga International Airport na pinatatakbo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Batay sa kasunduan, magbibigay ang Converge ng libreng wi-fi sa bawat pasahero sa loob ng 120 minuto kada araw.

Ang minimum bandwidth speed umano ay 1GB na may 80 porsyentong service reliability.