Barbers

PDEA pinuri sa isinagawang raid sas 2 shabu lab sa Ayala Alabang

Mar Rodriguez Nov 19, 2022
222 Views

PINAPURIHAN ngayon ng House Committee on Dangerous Drugs ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa naging tagumpay ng isinagawa nilang raid sa dalawang shabu laboratories na matatagpuan sa loob mismo ng Ayala Alabang Village.

Binigyang diin ni Surigao del Norte Cong. Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na ang walang puknat na kampanya ng PDEA laban sa illegal na droga ay nagpapatunay lamang na seryoso ang pamahalaan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagpuksa sa paglaganap ng illegal na droga.

Binati din ni Barbers si PDEA OIC Gregorio Pimentel dahil sa tagumpay ng kanilang raid sa Ayala Alabang. Kasunod ng matagumpay na pag-aresto nila sa mga suspek na nasa likod ng operasyon ng dalawang shabu lab.

Iginiit din ni Barbers sa PDEA ang pagsasagawa ng “follow up operations” upang malaman kung papaano nakapasok o naipuslit sa Pilipinas ang bulto-bultong illegal na droga.

“Shabu cannot be manufactured in large-scale quantities without the needed precursors that can only be imported. Thus, we have to look at the trail by which these precursors managed to evade our borders controls,” sabi ni Barbers.