Salman

Saudi Crown Prince bibisita sa Pinas

295 Views

BIBISITA sa Pilipinas si Saudi Arabia Crown Prince and Prime Minister Mohammed bin Salman.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. layunin ng pagbisita nito na mapalalim ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia.

“That would be very good kung makabisita sa atin si Crown Prince at hindi lamang tungkol sa mga labor, pati na ‘yung mga investments na pwede nating gawin,” sabi ng Pangulo matapos ang bilateral meeting nito sa Crown Prince sa Thailand.

Ayon kay Marcos hihilingin nito sa Saudi na tulungan ang bansa sa suplay ng produktong petrolyo.

“Napag-usapan namin ang energy, at dahil alam naman natin na ang largest producer ng petroleum sa buong mundo ay Saudi Arabia at tinulungan tayo ng Saudi Arabia nung ‘70s and ‘80s nung nagkaka-oil crisis. Kaya’t baka sakali naman ay tayo maaring makiusap muli na tulungan ulit tayo,” ani Marcos.