Martin

Modernisasyon ng PNPA itinulak ni Speaker Romualdez

171 Views

ITINULAK ni Speaker Martin G. Romualdez ang modernisasyon ng Philippine National Police Academy (PNPA), ang eskuwelahan ng mga magiging opisyal ng PNP.

“In an increasingly globalized, highly advanced society, there is a need to modernize the PNPA and educate our police corps with new methods, so they may have the competency and expertise to deal with criminals employing new schemes and technology in the commission of a crime,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na malaki ang papel ng PNP upang makatulog ng mahimbing ang sambayanan.

Dumalo si Romualdez sa flag-raising ceremony at Distinguished Visitors Program sa PNPA Grandstand sa Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang, Cavite noong Lunes.

Para kay Romualdez ay makabubuti umano kung mabibigyan ang PNPA ng kapangyarihan na magtayo ng mga kinakailangan nitong pasilidad at bumili ng mga kagamitan na kailangan sa paghasa sa mga kadete.

“The PNPA must also be authorized to determine exclusively its plans, policies, programs, curricula, and standards of teaching and training,” ani Romualdez.

Binanggit din ni Romualdez ang pangangailangan na mabigyan ng benepisyo ang mga kadete gaya ng disability, sickness, o death benefits sakaling may mangyari sa kanila habang nagsasanay.

Sinabi ni Romualdez na mayroong mga panukala sa Kamara na naglalayong palakasin ang PNPA at kanya umano itong sinusuportahan.

Kinilala rin ng lider ng Kamara ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang pamunuan ng PNP sa kanilang pag-alis sa mga tiwali sa police force.

“Please continue with this noble mission and keep helping us eradicate corruption and unprofessionalism in public service. Let us all help President Ferdinand Marcos, Jr. win the war against crime and illegal drugs,” dagdag pa ni Romualdez.