Dy

Pagtuturo ng life skills sa HS, college students nais ng mambabatas

Mar Rodriguez Nov 22, 2022
202 Views

DAHIL maraming kabataan ngayon ang napapariwara at nasasadlak sa iba’t-ibang uri ng kabuktutan. Ikinababahala ngayon ng isang Cenral Luzon congressman ang unti-unting pagka-sira ng kinabukasan ng mga kabataan na itinuturing pa naman na pag-asa ng bayan.

Dahil dito, isinulong ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V ang House Bill No. 1208 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para mapasama o isang mandatory inclusion sa subject sa high school at kolehiyo (tertiary education) ang “Life Skills Course”.

Ipinaliwanag ni Dy na ang pangunahing layunin ng kaniyang panukala ay ang matulungan ang mga Pilipinong mag-aaral na mapaghandaan ang kanilang “adulthood”. Kung saan, layunin din nito na mahubog ng husto ang mga kabataan upang maging isang responsableng mamamayan.

Binigyang diin ni Dy na mahalagang magkaroon ng sapat na karungungan o knowledge ang mga kabataan sa pamamagitan ng “Life Skills Course” upang malaman nila ang kanilang mga tungkulin bilang isang mamamayan at turuan silang maging responsable.

Sinabi ng mambabatas na kabilang sa mga paksang nakapaloob sa “Life Skills Course” ay ang taxation, personal finance, social media, literacy, data private rights at career planning. Kasama na rin dito ang paksa na makakatulong sa mga kabataan na maunawaan ang sistema ng Philippine government.

“The objective of this measure is to equip the Filipino youth with the requisite knowledge and skills needed to take on new responsibilities as adults. The bill proposes the mandatory inclusion of a Life Skills Course to help Filipino youth in their transition to adulthood,” sabi pa ni Dy.