Sara

DepEd inilungsad child protection website, hotline

191 Views

INILUNGSAD ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte ang Child Protection Unit (CPU) website at Learner Telesafe Contact Center national hotline upang mas maproteksyunan ang mga bata.

“When I assumed my role as the DepEd Secretary in June this year, not only did I have to think of solutions to the problems that had hounded the department for years, but I also had to deal with disturbing and painful stories about learners being victims of sexual abuse,” sabi ni Duterte.

Ang proyekto ay inilungsad sa DepEd Central Office sa Pasig City bilang bahagi ng 30th National Children’s Month.

“Obligasyon po natin na protektahan ang mga kabataan sa mga pang-aabuso at karahasan dahil sila po ang hope of our country,” dagdag pa ng Ikalawang Pangulo.

Ayon kay Duterte ang CPU website ang magiging backbone ng mga mga-aaral upang malaman ang kanilang mga karapatan at maaaring mahingian ng tulong kung mayroong kinakaharap na banta ang mga ito.

Maaari rin umanong idulog ng mga bata ang isyu ng pananakit, pisikal na pagpaparusa, at pamamahiya sa kanila sa Learners TeleSafe Contact Center Helpline.

Naikuwento ni Duterte ang pagtatayo nito ng Kean Gabriel Hotline noong siya pa ang alkalde ng Davao City.

“Noong pagbalik ko as mayor, we always get deaths of children because of abuse — ginulpi, pinahirapan, and pinatay. I was asking our City Social Welfare and Development Office, “Bakit dumarating tayo pag patay na ang bata? Bakit hindi ninyo alam that there is something happening already in the houses in the community?” sabi ni Duterte.

“I told them to create an anonymous way where people can report. I won’t have to tell who I am, I don’t have to tell you my name, I just have to tell you kung anong nangyayari sa bata and anong nangyayari sa bahay na iyan,” dagdag pa nito.

Si Kean Gabriel ay isang bata na namatay sa pang-aabuso at naging inspirasyon sa pagtatayo ng hotline noong 2016.