Calendar
Mga Pinoy hinamon ni PBBM na pagsumikapang maging pinakamahusay na uri ng sarili
HINAMON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na pagsumikapan na maging pinakamahusay na uri ng sarili.
Sinabi ito ni Marcos sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.
“Kaya naman sikapin natin na maging pinakamahusay na uri ng ating mga sarili; na maging Pilipino na ang katapatan at pagmamahal sa bayan ay kapares ng ating mga bayaning tulad ni Gat Andres,” sabi ni Marcos.
Pumunta si Marcos sa Andres Bonifacio Monument sa Caloocan City kung saan nito nakasama si Speaker Martin Romualdez.
“Magagawa po natin ito sapagkat katuwang natin ang ating mga makabagong bayani—ang ating mga doktor, mga nars, mga sundalo, mga pulis, OFWs, at ang bawat Juan at Juana—na buong pusong naglilingkod para sa kapwa,” ani Marcos.
Ayon kay Marcos naipakita ng mga bagong bayani ng bansa na ang bawat Pilipino ay mayroong kakayanan na gumaw ang mabuti para sa lipunan.
“Sama-sama nating harapin ang mga hamon ng panahon ngayon nang may pagmamahal sa bayan, determinasyon, tapang, [at] karangalan upang maitaguyod natin ang isang Pilipinas na tunay na nais natin ipagmalaki,” dagdag pa ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo obligasyon ng mga Pilipino na panatilihin ang kapayapaan, kalayaan, at paunlarin ang bansa.