Calendar
Pagtatayo ng sovereign wealth fund itinulak ni Speaker Romualdez
ITINULAK ni Speaker Martin G. Romualdez ang panukala na magtatayo ng sovereign wealth fund (SWF) upang maitodo ang kita ng mga government financial institutions para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.
Sa ilalim ng House Bill No. 6398 ay itatayo ang Maharlika Wealth Fund (MWF) na manggagaling sa mga kontribusyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (Land Bank), at Development Bank of the Philippines (DBP).
Ang MWF ay halaw sa SWF ng 49 bansa kabilang ang Singapore, China, Hong Kong, South Korea, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Vietnam, at East Timor.
Bukod kay Romualdez may-akda ng panukala sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre, at Marikina City Rep. Stella Luz A. Quimbo.
Ayon kay Romualdez layunin ng panukala na makatulong sa pagsusulong ng Agenda for Prosperity at eight-point socioeconomic roadmap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Sovereign wealth funds are state-owned investment funds typically financed by a country’s surplus revenues or reserves. Governments invest these funds in an array of both real and financial assets to stabilize national budgets, create savings for their citizens, or promote economic development,” sabi ni Romualdez.
Sa ilalim ng panukala ay mabibigyan ang GSIS, SSS, Land Bank, at DBP ng oportunidad upang makapaglagay ng investment upang kumita ng malaki.
“As the Philippines secures its place not only as the Rising Star of Asia but as a real economic leader in the Asia Pacific, the creation of the MWF becomes imperative,” dagdag pa ni Romualdez.