Momo

PPP nais na paigtingin

Mar Rodriguez Dec 3, 2022
186 Views

IMINUMUNGKAHI ngayon ng isang Mindanao congressman na lalo pang pagtibayin at paigtingin ang Public-Private Partnership (PPP) sa pagitan ng pamahalaan at private sector upang magkaroon pa ng mas maraming infrastructure projects sa darating na hinaharap.

Bagama’t aminado si Surigao del Sur 1st Dist. Cong. Romeo Momo na naging matagumpay naman ang kasalukuyang Build-Operate Transfer (BOT) – PPP Law. Kung saan, maraming government projects ang nalikha nito sa pamamagitan ng mga tulay at kalsada.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 1974 na isinulong ng mambabatas sa Kamara de Representantes na naglalayong makahikayat ng maraming negosyante sa private sektor na lumahok sa BOT-PPP.

Ipinaliwanag ni Momo, Chairman ng House Committee on Public Works and Highways, na kailangang lalo pang paigtingin at pagtibayin ang PPP upang makahikayat ng maraming private companies. Isang paraan aniya dito ang gawing “commercially attractive ang mga PPP projects”.

Sinabi ni Momo na kapag naging “commercially attractive” ang PPP projects, naniniwala siyang maraming private investors ang maaakit na lumahok sa mga ginagawang government projects na magbibigay ng benepsiyo sa kanilang kompanya at sa pamahalaan.

Ayon pa kay Momo, ang PPP ay naaangkop partikular na sa mga “major infrastructure projects” na tinatawag na “financially viable para sa mga private sector o private companies” para sa mga proyektong tulad ng railways, expressways, airports, energy, water resources at information and Communication Technology (ICT) projects.

“While the existing Build-Operate Transfer (BOT) / Public Private Partnership (PPP) Law has successfully generated several PPP projects, there is a need to strengthen the Law in order to further expand the use of PPP, by making PPP projects more commercially attractive to private investors and beneficial to the users and the government,” paliwanag ni Momo.