Martin

Speaker naghain ng panukalang batas para magkaroon ng three year fixed ang mauupong AFP Chief of Staff

Mar Rodriguez Dec 5, 2022
192 Views

INIHAIN ni House Speaker Martin Gomez Romualdez ang isang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng “fixed-term” sa loob ng tatlong taon o “three-year tour of duty” ang sinomang maluluklok na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippine (AFP).

Isinulong ni Speaker Romualdez ang House Bill No. 6482 sa Kamara de Representantes na may pamagat na “An Act further strengthening professionalism and promoting the continuity of policies and modernization in the Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Romualdez na layunin ng kaniyang panukalang batas na amiyendahan ang Republic Act (RA) No. 11709 na nilagdaan ngayon taon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang wakasan na ang mabilis na palitan sa puwesto o appointment ng Chief of Staff sa AFP.

“I understand them and they are all valid. I Have discussed these with our House Leaders and the committee on national defence and security and the bill is our way of addressing the concerns of our officers and enlisted personnel in the AFP,” ayon kay Speaker Romualdez.

Pinapurihan naman ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona ang panukalang batas na isinulong ng House Speaker sa pagasasabing ang pagkakaroon ng “fixed-term” sa puwesto ng AFP Chief of Staff ay makabubuti para sa hanay ng sandatahang lakas.

Ipinaliwanag ni Madrona na mas matututukan na ngayon ng husto ng itatalaga o mauupong AFP Chief of Staff ang kaniyang napakaraming trabaho para sa pagsasa-ayos sa peace and order ng bansa kabilang na dito ang “insurgency” na hanggang ngayon ay napapatuloy parin.

Sinabi ni Madrona na napakaraming issue sa AFP ang hindi masyadong natututukan ng mga nauupong Chief Staff dahil sa napakabilis ng pagpapalit ng liderato. Kabilang na sa mga usaping ito ay ang AFP modernization.

“Napakaganda ng ginawa ng ating House Speaker sa pamamagitan ng inihain niyang panukalang batas. Sapagkat magkakaroon na ng fixed term ang isang AFP Chief of Staff, dahil diyan mas matututukan na niya ang mga issues na kailangan niyang asikasuhin sa AFP,” paliwanag ni Madrona.