LPA naging bagyo na, umuusad pa hilagang Luzon

159 Views

NAGING bagyo na ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Binigyan ng local name na Rosal ang bagyo na inaasahang lalo pang lalakas dahil sa Hanging Amihan o Northeast Monsoon.

Magdadala umano ng mga pag-ulan ang bagyo at magpapalaki ng mga alon sa dagat.

Ang bagyo ay umuusad ng pahilagang silangan o papalayo ng bansa sa bilis na 20 kilometro bawat oras. Namataan ito 330 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Sa pagtataya ng PAGASA lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng gabi o Miyerkoles ng umaga.